July 1st, 2011

SANA IKAW [Panaginip Lamang]

Ikaw ay dumating bigla
sa aking mundo
Hindi inaakalang
ngitian mo ako
Para akong natunaw
sa lambing nito
Di ka na maalis sa isip ko

*
Paano na ngayon?
Ako’y litong lito
Bakit kaya ako
nahulog na sa iyo?
Pero meron ka nang
ibang minamahal
Hindi naman mahati
ang puso

**
Kaya pag-ibig, pinipigilan ko
Pag-ibig na sana ay sa iyo
Diba’t nararapat sa iyo
Pag-ibig na buong buo
‘Di ko makakayang
may saktan na iba
Kaya’t ikaw ay
mananatili na lang
Sa damdamin
at aking isipan
Iguguhit kita sa alaala
Pagkat tayo ay hanggang
panaginip lamang

Got 2 Believe days pa to. :)) Hindi ko alam kung sino kumanta nito pero nung ni-research ko, nagulat ako! Si Piolo pala.. HAHAHAHA! :))) Adik lang..
Corny ako. I know. :P
I super love this song.. Sobrang nakakarelate ako ng todo. :)) Wala lang. :)